Mag-asawa todas sa trak
@Balitang Probinsiya | March 20, 2023
ILOILO—Namatay ang mag-asawang lulan ng isang tricycle nang aksidenteng mabangga ng trak kamakalawa sa bayan ng Miag-ao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Jesse at Verinoca Lozada, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Simplity Fernandez, 47, kaya nabangga nito ang tricycle na kinalululanan ng mag-asawang Lozada.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan, samantala sumuko naman sa pulisya si Fernandez.



Comments