Mag-asawa sugatan sa sunog
@Balitang Probinsiya | Enero 4, 2023
AKLAN—Sugatan ang mag-asawa nang masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Kinalangay Viejo, Malinao.
Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Alberto, 63-anyos at Bella Bernardino, 59-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mag-asawa na biglang sumiklab ang sunog sa kusina ng kanilang bahay at dahil gawa sa light materials ay mabilis kumalat ang apoy, kaya nasunog ang katawan ng mga biktima, pero dahil sa tulong ng mga kapitbahay ay nailabas sa nasusunog na tahanan ang mag-asawang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang mag-asawang biktima at kasalukuyan pa silang ginagamot sa ospital.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.



Comments