Mag-asawa, sugatan sa hit-and-run

@Balitang Probinsiya | December 19, 2020
CAGAYAN—Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang mag-asawang biktima ng hit-and-run kamakalawa sa Bgy. Calayan, Gonzaga.
Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Rizaldy at Maricen Mangoba. Si Maricel ay nabatid na 7-buwang buntis.
Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang mag-asawa nang aksidenteng mabangga sila ng kotse na minamaneho ng hindi pa kilalang driver.
Napag-alamang imbes na tulungang dalhin sa ospital, mabilis na tumakas ang driver ng kotse.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments