top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawa sugatan sa aksidente

BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2022


PALAWAN—Sugatan ang mag-asawang lulan ng tricycle sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Samarinana, Brooke’s Point.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mag-asawang biktima na kapwa ginagamot sa ospital.

Ayon sa ulat, habang lulan ng tricycle ang mag-asawa ay nasagi ito ng trak, kaya naaksidente ang mga biktima.


Nabatid na nagkaroon ng mga sugat sa ulo at katawan ang mag-asawang biktima.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang hindi pinangalanang driver ng trak matapos mangako na sasagutin niya ang lahat ng gastos sa ospital at danyos sa mag-asawang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page