top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mag-asawa, patay sa ambush

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 11, 2024


LANAO DEL NORTE – Nasawi sa ambush ang mag-asawang sakay ng isang kotse at sugatan naman ang dalawa pang katao nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Magpatao, Lala sa lalawigang ito.

 

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang nasawi na sina Cocoy at Jehan Acampong, samantalang ang mga sugatan ay sina Razul Ameril at Alim Tawan-Tawan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.

 

Batay sa imbestigasyon, lulan ng isang kotse ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa naturang lugar. 

 

Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawa.

 

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page