Mag-asawa, kritikal sa kuryente
@Balitang Probinsiya | November 19, 2021
CAPIZ—Nasa malubhang kalagayan ngayon ang mag-asawa nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Milan, Jamindan.
Ang mag-asawang biktima ay kinilala ng pulisya na sina Jude at Rubelyn Agustino, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa ay nasagi nila ang live wire mula sa natumbang poste ng electric company.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mag-asawang biktima sa ospital na kapwa nagtamo ng 3rd degree burns.
Nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya ang may-ari ng electric company dahil sa kapabayaan.



Comments