top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mag-asawa, dedbol sa pick-up

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 08, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Namatay ang mag-asawang lulan ng isang motorsiklo nang mabangga ng isang pick-up kamakalawa sa Bgy. Lag-asan, Bago City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Benjie at Mary Joy Siasico, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ng isang hindi pinangalanang 22-anyos na estudyante kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mag-asawang Siasico.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mag-asawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya ang estudyanteng driver ng pick-up.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page