top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawa at dalawang anak naaksidente

BULGAR
Oct 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 26, 2022


AKLAN—Sugatan ang mag-asawa at dalawa nilang anak nang aksidenteng bumangga sa puno ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bacan, Banga.


Ang mga biktima ay ang mag-asawang Jojo, 37-anyos at Jennifer Palmon, 31-anyos, at hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang menor-de-edad nilang dalawang anak, pawang nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Jojo sa pagmamaneho ng motorsiklo habang nakaangas dito ang kanyang asawa at dalawang anak dahilan kaya bumangga sila sa puno.


Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ang mga biktima ng mga sugat sa ulo at katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page