top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mag-asawa at anak sugatan sa aksidente

BULGAR
Nov 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2022


AKLAN—Sugatan ang mag-asawa at isa nilang anak nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Kinalangay, Malinao.


Ang mga biktima ay mag-asawang Samuel at Rubelyn Retome, kapwa nasa hustong gulang at ang 4-taong gulang nilang anak, pawang nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Samuel sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas ang kanyang misis at anak, kaya bumangga sila sa sinusundang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Samantala, agad namang dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot pa sa ospital ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page