Mag-amang tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Inaresto ng mga otoridad ang mag-amang notoryus na drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. 2. Silay City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Joselin Bitoon, 67 at Michael, 39, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng umano’y shabu ang mag-ama kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga otoridad na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 11 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mag-amang pusher na kapwa nahahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments