Mag-amang tulak tiklo
@Balitang Probinsiya | May 16, 2023
CAVITE—Inaresto ng mga awtoridad ang mag-amang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba, kamakalawa sa Bgy. Granados, General Mariano Alvarez sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mag-amang suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-amang drug pusher.
Nakapiit na ang mag-amang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments