Mag-amang tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | April 30, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Inaresto ng mga awtoridad ang mag-amang bigtime drug pusher sa drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Tangub, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang mag-amang suspek ay kinilala na sina Jade, 48 at Clyde Babaran, 27, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 55 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-amang suspek.
Nakapiit na ang mag-amang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments