top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mag-ama, sugatan sa bangga ng pick-up

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 25, 2021


CAPIZ--Sugatan ang mag-ama nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Cuartero.


Kinilala ng pulisya ang mag-amang biktima na sina Jessie Sr., 63-anyos at Jessie Bonza, Jr., 23-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Jomer Amosig, nasa hustong gulang, kaya nabangga ang tricycle na kinalululanan ng mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot na sila sa ospital.


Nahaharap si Amosig sa kasong sa kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page