Mag-ama, patay sa lunod

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 5, 2021
ZAMBOANGA CITY—Namatay ang mag-ama ng kapwa malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Talungatung.
Ang mag-amang biktima ay sina Ryan, 35-anyos at Ryeann Matapa, 8-anyos, kapwa residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakita ni Ryan na nalulunod sa Dumalon River ang kanyang anak kaya sumaklolo ito, pero pati siya ay nalunod.
Nabatid na agad sumaklolo ang ibang residente, pero hindi agad natagpuan ang mag-amang tinangay ng malakas na agos sa ilog.
Napag-alamang makalipas ang ilang oras na paghananap ay saka lang natagpuan ang mag-amang biktima na kapwa namatay sa lunod sa nasabing ilog.



Comments