top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mag-ama, nahulog sa bangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 23, 2020



ABRA—Nasa malubhang kalagayan ngayon ang mag-ama nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak kamakalawa sa bayan ng San Isidro.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga mag-ama hangga’t hindi naipapabatid sa kanilang pamilya ang aksidenteng kinasangkutan ng dalawang biktima.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver habang kasama ang kanyang anak kaya nahulog ang kinalululanan nilang trak sa nasabing barangay.


Nabatid na nagkaroon ng pinsala sa mga kamay, ulo at katawan ang mag-amang biktima sa naganap na aksidente.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang dalawang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page