Mag-ama, 2 pa huli sa drug-bust
- BULGAR

- Oct 17, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 17, 2020
NUEVA ECIJA—Dinakip ng pulisya ang mag-amang drug pusher at dalawa pa nilang kasamahan sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Hermogenes Concepcion Sr., Cabanatuan City.
Ang mga suspek ay ang mag-amang Cesar, 56-anyos at Emelia Cabanada, 28-anyos; Archie Sandoval, 34-anyos at alyas “Eliza”, pawang residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments