MADIR NINA DANIEL AT KATHRYN, NAG-POST NA NG WEDDING GOWN AT INVITATION
- BULGAR

- Sep 28, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 28, 2020

Nagkagulo ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa separate posts ng mga ina nilang sina Mommy Min Bernardo at Karla Estrada.
Tila naghi-hint kasi ng “kasal” ang mga larawang ipinost ng dalawang nanay kaya talagang nabulabog ang KathNiel fans.
Nag-post ng larawan ng wedding gown si Mommy Min at ang caption lang niya ay “K (ring emoji) N.”
Larawan naman ng white envelopes ang post ni Karla na mukhang pang-wedding invitation with the same caption na inilagay ni Mommy Min.
Siyempre, assumera na ang peg ng mga fans at nag-assume na nga na baka ikakasal na sina Daniel at Kathryn. Of course, tuwang-tuwa at kilig na kilig sila and hoping na totoo ngang ikakasal na ang KathNiel.
“Omooo!! Etoo na ba? So exciteddd iloveyouuuu Kath and DJ!!!” komento ng isang fan.
Pero ang ibang fans ay ayaw magpaka-hopia and they think na baka eksena sa bagong project ng KathNiel ang wedding.
“Omggggg kasal sila sa sitcom!?” reaksiyon ng isang fan.
“Yeah, sitcom 'yan. Baka mag-asawa sila ru'n,” sagot naman ng isa.
Pero project man o totoong kasalan, nagpahayag na ang mga fans na excited na sila for this kung ano man ito.





Comments