top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mabilis na pagtaas-presyo, kailangang sabayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2022
1 min read

@Editorial | August 6, 2022


Nakapagtala ng mas mabilis na antas ng inflation rate sa bansa na pumalo sa 6.4% noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation noong Hulyo 2022 ay dahil sa mabilis na pagtaas din ng presyo ng mga food at non alcoholic beverages, tulad ng isda, karne, asukal, at marami pang iba na mayroong 6.9% na inflation at 64% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.


Nagpakita rin ng mataas na inflation ang transportasyon sa bansa kung saan naitala naman ang 18.1% na inflation noong Hulyo at 17% na share sa pangkalahatang inflation dahil naman sa pagtaas ng pamasahe sa mga transport service sa bansa.


Ganundin sa restaurant and accommodation services na mayroong 3.4% na inflation na naitala sa nasabing buwan at 10.9% na share sa pangkalahatang inflation.


Ang 6.4% na inflation rate na naitala ng PSA nitong buwan ng Hulyo ay ang pinakamataas na antas ng inflation na naitala mula noong 2018.


Inaasahan na natin ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo dahil pa rin sa COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng giyera sa ibang bansa at mga kalamidad.


Kaya wala tayong ibang dapat gawin kundi ang tumodo nang kayod.


Kailangang magtulungan para malampasan ang sitwasyong ito.


Unang pinayuhan ang mga local government units (LGUs) na maghanap ng mga investors na magiging katuwang sa pagkakaroon ng pondo. Ganundin ang mamamayan na lawakan ang pang-unawa at magtiwala sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page