Lumabag sa curfew, tiklo sa patalim
@Balitang Probinsiya | November 27, 2021
AKLAN—Isang lalaki na sinita sa curfew ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng patalim kamakalawa ng gabi sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jaylord dela Cruz, nasa hustong edad at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Dela Cruz na naglalakad kahit oras na ng curfew kaya’t sinita ito at nang kapkanan ay nakumpiskahan ng patalim.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon at paglabag sa curfew.



Comments