Lolong NPA, sumurender
- BULGAR
- Jun 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 26, 2023
CAGAYAN -- Isang 60-anyos na lolong miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Lasam sa lalawigang ito.
Ang lolong sumurender ay itinago sa alyas na “Ka Dencio,” miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ni "Ka Dencio" ang dala niyang armas, mga bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ni "Ka Dencio" na matagal na panahon na umano siyang nakikipaglaban kaya naisip niyang magbalik-loob na sa pamahalaan.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang sumukong lolo na NPA.



Comments