Lolong NPA, nasakote
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 20, 2023
ILOILO -- Isang 60-anyos na lolong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tambal Village, Janiuay sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Noel Cafe, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na ang suspek ay nasa bahay ng isa niyang kaibigan sa nasabing barangay.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad na naging dahilan kaya nadakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Cafe nang dakpin siya ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.



Comments