Lolong miyembro ng NPA, nasakote

@Balitang Probinsiya | November 20, 2020
ALBAY—Isang 74-anyos na lolo na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang Bgy. Batbat, Guinobatan.
Ang suspek ay kinilalang si Ronaldo Ogama, alyas Ka Leo, miyembro ng NPA na nakabase sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Ogama sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong mga kasong multiple murder at frustrated murder.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ni Ogama kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya sa nasabing lugar.



Comments