top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lolong HVT sa droga, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 10, 2023


MASBATE -- Isang 66-anyos na lolong HVT (high value-target) sa droga ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Ibingay, Masbate City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Rejoso, residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nagsagawa sa drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay kaya nadakip ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga operatiba ng 15 gramo ng shabu, drug paraphernalia at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page