Lolo, todas sa kuryente
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 25, 2023
ILOILO -- Isang 72-anyos na lolo ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Bitaoyan 2, Badianga sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Delfin, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, napahawak si Delfin sa isang live wire na nakalagay sa tangke ng tubig ng kanilang bahay kaya nakuryente ang biktima.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.
Comments