top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lolo todas sa kuryente

BULGAR
Nov 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2022


AKLAN—Patay ang 60-anyos na lolo nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Cabugao, Altavas.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.


Ayon sa ulat, habang naglilinis sa bakuran ang lolo ay nasagi nito ang live wire na nakadikit sa bakod, kaya nakuryente.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng kanyang ang kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page