top of page
Search
BULGAR

Lolo, todas sa hit and run

by News @Balitang Probinsiya | September 12, 2024



Rizal — Isang hindi kilalang lolo ang namatay nang ma-hit and run ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) kamakalawa sa Brgy. Cuyambay, Tanay sa lalawigang ito.


Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 65-70 ang edad, nakasuot ng long sleeves at short pants. 


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakakita na habang tumatawid sa kalsada ay nabangga ito ng kulay gray na SUV.


Nabatid na imbes huminto ay tinakasan umano ng driver ng SUV ang pagkakabangga niya sa biktima. 


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng SUV upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at obstruction of justice.


 

ISKUL, NILOOBAN NG AKYAT-BAHAY GANG


AKLAN -- Isang eskwelahan ang nilooban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa sa Brgy. Cabangila, Altavas sa lalawigang ito.

Ang nilooban ay ang Cabangila Elementary School sa nasabing barangay. 

Nabatid na walang tao sa naturang paaralan nang pasukin ito ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang.

Napag-alaman na nakatangay ang mga suspek ng mga laptop at iba pang kagamitan sa loob ng iskul.


Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



 

SUNDALO, TODAS SA AMBUSH


ZAMBOANGA DEL SUR -- Isang sundalo ang nasawi sa naganap na ambush ng mga komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Brgy. Tina, Dumalinao sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang napatay na sundalo ng Philippine Army (PA) hangga’t hindi pa naipapabatid sa pamilya nito ang nangyari sa biktima.


Napag-alaman na nagpapatrulya ang mga sundalo nang bigla silang pagbabarilin ng mga NPA kaya napatay ang biktima.


Dahil dito, agad na gumanti ng putok ang mga tropa ng pamahalaan at mabilis na tumakas ang mga komunista.


Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga tumakas na mga NPA.


 

2 HVT SA DROGA, NASAKOTE

 

BACOLOD CITY -- Dalawang High-Value Target (HVT) sa droga ang dinakip ng pulisya sa kanilang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. 8 sa lungsod na ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan pa ang mga ito. 


Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng mga suspek ay dito na agad dinakip ng mga otoridad ang dalawang

drug pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page