Lolo, todas sa bus
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 12, 2023
CAMARINES SUR – Isang 69-anyos na lolo ang namatay nang mabangga ng pampasaherong bus kamakalawa sa national highway ng Bgy. Sta. Elena, Bula sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marciano Lanuso, residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ni Rolando Beltran, kaya nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng bus ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng insidente.
Sumuko naman sa pulisya si Beltran na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments