top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lolo, tinodas ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 24, 2020



NORTH COTABATO—Isang 60-anyos na lolo ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Florencio de Guzman, residente ng Bgy. Fortpikit sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang bumibili ng pagkain sa karidnerya si De Guzman ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page