Lolo, tinodas ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | October 11, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 65-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. 12, Victorias City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na residente ng Bgy. 8 sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, pinara ng dalawang suspek ang tricycle na kinalululanan ng biktima at saka ito pinababa at pinagbabaril hanggang mapatay.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng cash.
Bukod sa anggulong robbery ay inaalam pa ng pulisya ang ibang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments