top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lolo tinaga ng kamag-anak

BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 8, 2022


CEBU—Sugatan ang 71-anyos na lolo nang tagain ng kanyang kamag-anak kamakalawa sa Bgy. Magsico, San Fernando.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga taga sa katawan na si Rodrigo Baringuian, samantalang ang suspek ay ang pamangkin nitong si Samuel Tabale, 45-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Baringuilan at Tabale na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek at sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.


Kaagad namang dinala ng mga saksi si Baringuian sa pagamutan at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa siya sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page