Lolo, tiklo sa pagbaril sa aso
@Balitang Probinsiya | Enero 17, 2023
NUEVA VIZCAYA—Inaresto ng pulisya ang 69-anyos na lolo dahil sa pamamaril sa aso kamakalawa sa Bgy. Bintawan Sur, Villaverde.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Marlow Crisostomo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita ni Rico Duragos, nasa hustong gulang, na binaril ni Crisostomo ang alaga niyang aso na tinamaan sa panga kaya’t inireklamo nito sa pulisya ang suspek.
Nabatid na rumesponde agad ang pulisya at dinakip ang suspek na nakumpiskahan ng .22 rifle at mga bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Animal Welfare Act.



Comments