top of page
Pokwang.jpg

Lolo, tepok sa motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 27, 2020



CAPIZ—Isang 60-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Linambasan, Jamindan.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ruperto Vepinosa, residente ng naturang barangay.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Ronald Estanislao kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero dahil sa laki ng sugat na tinamo nito sa ulo nang mabagok sa sementadong kalsada, idineklara itong dead-on-arrival.


Nakapiit na si Estanislao na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page