top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lolo sugatan sa nakaparadang van

BULGAR
Nov 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2022


PALAWAN—Sugatan ang 64-anyos na lolo nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong pick-up sa nakaparadang van kamakalawa sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa City.


Nakilala ang biktima na si Domingo Gacula, nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng pick-up si Gacula, kaya bumangga ito sa nakaparadang van sa gilid ng kalsada.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page