Lolo sugatan sa holdap
- BULGAR
- Dec 16, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 16, 2022
CAMARINES SUR—Sugatan ang 66-anyos na lolo nang manlaban sa dalawang lalaking nangholdap sa kanya kamakalawa sa Bgy. Bataan, Tinambac.
Ang biktima na nagtamo ng malaking sugat sa ulo ay kinilalang si Augusto Abiog, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa kanyang bukid si Abiog ay nilapitan at hinoldap ito ng mga suspek na sina Jomar Burce at Jefferson Portugal, kapwa nasa hustong gulang at pilit kinukuha ang perang napagbentahan sa pananim niyang root crops.
Nang manlaban si Abiog ay pinalo ito ng kahoy sa ulo at pagkaraan ay saka tumakas ang mga suspek tangay ang pera ng biktima.
Nabatid na may nag-report sa pulisya tungkol sa panghoholdap nina Burce at Portugal at sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay nadakip ang dalawang suspek sa Bgy, Cagsao, Capalonga sa nasabing lalawigan.



Comments