Lolo, sugatan sa bangga ng SUV

@Balitang Probinsiya | December 1, 2020
CAPIZ—Isang 61-anyos na lolo ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng SUV kamakalawa sa Bgy. Dumulog, Roxas City.
Kinilala ang biktima na si Moises Andrada, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Andrada sa gilid ng kalsada nang aksidenteng mabangga ito ng SUV na minamaneho ni Jobern Loretizo, nakatira sa Bgy. Pobacion, President Roxas sa nasabing lalawigan.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.
Kaugnay nito, sinampahan na ng pulisya si Loretizo ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury.



Comments