Lolo, sinaksak ng 2 kaalitan
@Balitang Probinsiya | July 20, 2023
AKLAN -- Isang 64-anyos na lolo ang sugatan nang saksakin ng dalawang lalaking kanyang nakaalitan kamakalawa sa Bgy. Talon, Altavas sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa katawan na si Gaspar Andrade, samantalang ang mga suspek ay sina Joey Macalacad at Joey Flores, kapwa nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Andrade at dalawang suspek na humantong para saksakin nina Macalacad at Flores ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong frustrated murder.



Comments