top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lolo, patay sa tangkay ng niyog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 21, 2023


ILOILO—Isang 72-anyos na lolo ang namatay nang paluin ng tangkay ng niyog ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Wari-Wari, New Lucena sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Samson Sala, samantalang ang suspek ay si Randy Suganob, 34, at kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Sala at Suganob hanggang kumuha ng tangkay ng niyog ang suspek at inihampas ito sa ulo ng biktima.


Nang duguang bumagsak si Sala ay nagtangkang tumakas si Suganob, pero naaresto siya ng mga tauhan ng pulisya.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page