Lolo niratrat, utas
@Balitang Probinsiya | July 5, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 66-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Rizal, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Romulo Villarico, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa labas ng kanilang bahay si Villarico ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng salarin sa pagpaslang kay Villarico.



Comments