Lolo, nilikida ng riding-in-tandem
- BULGAR
- Sep 4, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 4, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 63-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Palampas, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Antonio Abuyo, at residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Abuyo ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Abuyo.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments