top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lolo, natagpuang patay sa kubo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 23, 2021


AKLAN—Natagpuang patay ang 78-anyos na lolo habang nakabigti sa loob ng kanyang bahay-kubo kamakalawa sa bayan ng Banga.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang nagpakamatay na lolo.


Ayon sa ulat, mga kapitbahay ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng lolo sa loob ng kubo nito.


Nabatid na agad ini-report ng mga residente sa pulisya ang natagpuan nilang bangkay ng biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya kung nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page