top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lolo natagpuang patay sa ilog

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 29, 2022


AKLAN—Isang 64-anyos na lolo ang natagpuang patay kamakalawa na nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Bakhaw Norte, Kalibo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Delfin Navarro, nakatira sa Bgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog.


May hinala ang mga awtoridad na maaaring aksidenteng nahulog sa ilog ang biktima kaya ito nalunod.


Gayunman ay patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may naganap na foul play o pagkalunod lang ang ikinamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page