Lolo, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | April 19, 2023
QUEZON—Isang 64-anyos na lolo ang natagpuang patay, kamakalawa sa damuhang lugar sa Bgy. Bulakin 1, Dolores sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Avelino Barcelona, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente sa nasabing barangay ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa damuhan sa naturang lugar.
Napag-alaman na wala namang palatandaan na pinatay ang biktima.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ni Barcelona.



Comments