top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lolo natagpuang patay

BULGAR
Jan 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 11, 2023


ISABELA—Natagpuang patay ang isang lolo kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. San Antonio, Sta. Maria.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Facundo Bingayan, 74-anyos at residente ng Bgy. Poblacion Uno sa naturang bayan.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay napag-alamang may tama ng bala sa noo ang biktima, palatandaan na ito ay pinatay.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page