top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lolo, nalunod sa ilog

BULGAR
Apr 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 18, 2021


CAPIZ—Patay ang 74-anyos na lolo nang malunod sa ilog na sakop ng Bgy. Alayunan, Maayon.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Antonio Demandante, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay umano si Demadante habang tumatawid sa ilog, pero biglang rumagasa ang agos ng tubig kaya tinangay ang biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.

Nabatid na makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuang nakalutang na ang bangkay ng biktima sa nasabing ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page