Lolo nabangga ng trak, dedbol
@Balitang Probinsiya | Oct 27, 2021
QUEZON--Isang 64-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak kamakalawa sa Bgy. San Vicente, General Luna.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Braul Cataytay nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Cataytay nang mabangga ito ng trak na minamaneho ni Jonas Pedrowi, 27-anyos, nakatira sa Lucban sa naturang lalawigan.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima.
Nakapiit na si Pedrowi na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments