top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lolo na rapist, kulong

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 2, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rapist na 68-anyos na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Carabalan, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala lang sa alyas na “Lolo Jude,” pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng lolong rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page