top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lolo, dedbol sa tren

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 11, 2023

QUEZON -- Isang 65-anyos na lolo ang namatay nang masagi ng tren kamakalawa sa Brgy. Inaclagan, Gumaca sa lalawigang ito.

 

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Danilo Camerina, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Camerina sa gilid ng riles ay may dumaang tren at nasagi ang biktima.

 

Napag-alaman na nakaladkad ng halos 30 metro ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

 

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa hindi pinangalanang operator ng tren.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page