top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lolo dedbol sa riding-in-tandem

BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2022


CAMARINES SUR—Patay ang 67-anyos na lolo nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. San Ramon, Tinambac.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Francisco Bolalin, nakatira sa Bgy. Magsaysay sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakasakay sa motorsiklo si Bolalin nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Bolalin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page