top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lolo, dedbol sa motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 23, 2021


PANGASINAN—Isang 72-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang kinalululanan nitong bisikleta kamakalawa sa Bgy. Caranglaan, Dagupan City.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Benito Pastoral, nakatira sa nasabing bayan, samantalang kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang hindi pinangalang driver ng motorsiklo.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo kaya aksidenteng nabangga ang kinalululanang bisikleta ng biktima.


Dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente ang biktima.


Nangako naman ang driver ng motorsiklo na sasagutin niya ang lahat ng gastusin sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page