top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lolo, dedbol sa gulpi ng mga kelot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 30, 2021



PANGASINAN—Isang 65-anyos na lolo ang namatay nang bugbugin ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Bacnono, Bayambang.


Nakilala ang biktima na si Abraham Diguerto, nakatira sa Bgy. Ataynan sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, dumalo umano si Diguerto sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang residente sa Bgy. Bacnono at pauwi na ito nang harangin at bugbugin ng mga suspek sa hindi pa malamang dahilan.


Matapos ang pambugbog ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page